-- Advertisements --
image 27

Nilinaw ng Pagasa na wala pang direktang epekto sa lupa ang bagyong Gardo na nasa silangang bahagi ng Pilipinas.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 1,140 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.

May lakas ito ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos iyon nang pahilagang silangan sa bilis na 10 kph.

Samantala, lalo pang lumakas ang super typhoon Hinnamnor na papalapit sa Philippine territory.

Namataan ito sa layong 1,170 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

May lakas itong 195 kph habang may pagbugsong 240 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 30 kph.