-- Advertisements --

Bumilis pa ang kilos ng bagyong Gardo habang ito ay patungong northeast ng extreme northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa 1,040 kilometer East Norteast ng Extreme Northern Luzon.

May taglay ito ng hangin na 55 kilometers per hours at pagbugso ng 70 kph.

Walang gaanong magiging epekto ang nasabing bagyo sa kalupaan at karagatan sa bansa.

Inaasahan na maaaring humalo ang bagyong Gardo sa isa pang bagyo na Henry sa loob ng 12 oras.

Sa monitoring din ng PAGASA sa super typhoon Henry, nakita nila ang sentro nito sa 690 km Northeast ng Itbayat Batanes.

Nanatili ang lakas nito na 185kph at pagbugso ng 230kph.

Makakaranas naman ng malakas na pag-ulan sa bahagi ng Batanes at Babuyan Island sa araw ng Biyernes.

Magugunitang nitong 5:30 ng hapon ng Agosto 31 ng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang si Henry.

Inaasahan na patuloy na hihina ang bagyo sa araw ng Linggo Setyembre 4 o sa Lunes Setyembre 5.