Inamin ni incoming Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nagtungo na siya kanina sa tanggapan ni outgoing Sen. Joseph Victor Ejercito para masilip ang posible niyang maging opisina.

Ayon kay Dela Rosa, napag-usapan na nila ni Ejercito ang tungkol sa gagamiting silid sa 18th Congress.

Sinabi pa raw sa kaniya ni Sen. JV na hindi na tatanggalin ang mga gamit nito para sa dating PNP at BuCor chief.

Inamin naman ni Bato na hindi na siya nasorpresa nang iniialok ang tanggapan dahil malapit naman silang magkaibigan ng outgoing senator.

Gayunman, ipagpapa-alam pa rin daw nila ang napagkasunduan sa liderato ng Senado.