-- Advertisements --

Tiniyak ni Gabriela Women’s Partylist nominee Sarah Elago na kanilang hahabulin ang mga kurap sa lipunan.

Ito ay matapos na pormal ng mai-proklama ng Commission on Elections ang Gabriela Women’s Partylist na nagwagi noong May 2025 elections.

Ipapakita nila na ang hitsura ng mga babaeng labis ang galit sa lumalalang kurapsyon sa mga proyekto ng gobyerno.

Nanawagan din si Elago kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dapat ay tanggalin na ang lahat ng mga pork barrel funds na siyang nagtutulak sa mga mambabatas para maging kurap.