-- Advertisements --
Nangako ang Group of Seven finance ministers at central bank governors na patuloy lamang ang ibinibigay nilang tulong pinansyal para sa mga bansa sa kabila ng coronavirus outbreak.
Ayon kay Finance Minister Aso Taro ng Japan, napagkasunduan nilang tulungan ang mga bansa na walang maayos na health care system para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng nakamamatay na virus.
Kung magpapatuloy aniya ang pagkalat ng sakit sa mga mahihirap na bansa ay posible na mas lalo pang lumala ang pandemic at magkaroon ng malaking epekto sa global economy.
Nagkaisa ang G7 countries na suspendihin ang mga utang ng mahihirap na bansa at pinag-iisipan na rin na payagang kumuha ng loan funds ang mga bansa sa pamamagitan ng International Monetary Fund.