Naglaan ang Group of Seven (G7) countries ng $600 bilyon infrastructure initiative para tulungan ang mga developing countries na sugpuin ang climate change.
Ito ang naging isa sa tinalakay sa G7 summit na ginaganap sa Germany.
Paglilinaw ni US President Joe Biden na ang nasabing halaga ay hindi tulong o charity at sa halip ay isang investment na pakikinabangan ng mga Americans.
Kinabibilangan ito ng $2 bilyon sola farm investment sa Angola, $300-M sa paggawa ng pagamutan sa Ivory Coast at $40-M para sa promosyon ng regional energy sa Southeast Asia.
Sa unang araw ay nagsagawa rin ng bilateral meeting sina Biden at German chancellor Olaf Scholz.
Tinalakay ng dalawa ang patuloy na kaguluhan sa Ukraine.
Pagtitiyak ng dalawa na kasama sila ng NATO para sa pagdepensa ng laban sa Russia.