Pag-uusapan sa pagpupulong ng mga finance chiefs ng Group of 20 major economies ang epekto ng bagong coronavirus.

Gaganapin ang pagpupulong sa darating na Pebrero 22-23 sa Saudi Arabia na dadaluhan ng mga finance ministers at central bank governors.

-- Advertisement --

Ito rin ang kauna-unahang pagpupulong ng G-20 mula ng magkaroon ng outbreak ng virus.

Ang G-20 ay binubuo ng mga bansang gaya ng Argentina, Australia, Brazil, Canada, China, the European Union, France, Germany, India, Indonesia, Italy, Japan, Mexico, Russia, Saudi Arabia, South Africa, South Korea, Turkey, the United Kingdom, at United States.