Umapela ang ama ni WBC heavyweight champion Tyson Fury kay Deontay Wilder na ‘wag nang ambisyunin ang 3rd fight nila ng kanyang anak.

Ginawa ni John Fury, ama ni Tyson, ang pahayag matapos na mapaulat na pinili ni Wilder ang rematch clause sa kontrata ng kanilang 2nd fight noong February 23 kung saan natalo siya via TKO sa 7th round.

-- Advertisement --

Niluluto ang rubber match ng dalawa na posibleng ganapin daw sa July 18 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Pero sinabi ni John sa IFL TV interview, mas maigi raw para kay Wilder na gamitin ang isip at maghanap na lang ng iba.

Sa paniwala niya, sa ngayon daw kahit sinong itapat sa kanyang anak ay walang uubra.

Lalo lamang daw gumagaling ngayon si Tyson.

Gayunman, hindi naman daw masisisi ni John si Wilder dahil pera-pera lang naman ang katapat.