LA UNION – Kinumpirma ni PMaj Cris Simon, OIC Chief-of-Police ng Burgos Police Station, na kinitil ang sariling buhay sa pamamagitan ng paglaslas sa leeg gamit ang paleta ang isang 27-anyos na binata sa Barangay Old Poblacion, Burgos, La Union.

Ang biktima ay kinilala sa pangalang Reymart Madlaeng, isang furniture worker, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Maj. Simon, sinabi nito na mismong ina ni Reymart na si Anita Madlaeng, 56-anyos, ang nakakita sa nakahandusay at duguang katawan ng anak sa mismong furniture shop na pinagtatrabahuhan nito.

Dinala ang biktima sa Naguilian District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Ayon pa kay Maj. Simon, wala umanong alam ng pamilya nito na problema o kaaway ng binata na posibleng nag-udyok sa kanya para magpakamatay.