-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Kumpiyansa si Presidential Task Force on Media Security USec. Joel Sy Egco na agad na makaka-recover mula sa COVID-19 si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar.

Ayon sa opisyal sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, asymptomatic si Sec. Andanar at maayos na man ang pakiramdam sa kasalukuyan.

Kaugnay nito, siniguro ng opisyal na hindi apektado ang kabuuang functions ng PCOO habang naka-quarantine si Andanar.

Dagdag pa ni Egco na patuloy pa rin silang nakakatanggap ng mga official directives mula sa opisyal para sa mga ipapatupad na programa ng ahensya.

Samantala, ang tumataas na kaso ng mga nagpopositibo sa mga cabinet members at elected officials ang patunay umano na walang pinipili ang virus kaya kinakailangan ng ibayong pag-iingat.

-- Advertisement --