Nakasalalay pa rin sa magiging desisyon ng hotel management kung susunod ito sa 100% operational capacity ng kanilang pasilidad.
Ito’y matapos ianunsyo ngayong araw ng Department of Tourism (DOT) na papayagan na ang full capacity operation ng mga hotels na nasa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine areas (MGCQ).
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette-Romulo Puyat, nakatakdang maglabas ang ahensya ng guidelines para sa expanded operational capacity ng mga hotels.
Bagot ito ay binigyan na ng Inter-Agency Task Foce (IATF) nag DOT ng pahintulot na i-calibrate ang operasyon ng accomodations sa bawat establishments.
Naaprubahan din sa naturang resolution ang pag-luluwag ng interzonal at intrazonal movement, bilang tulong sa unti-unting pagbangon ng tourism sector.
Dagdag pa ng kalihim, kailangan maging handa ang kabuuan ng turismo sa bansa. Kabilang na rito ang accomodation, transportation, at tour operation sectors.