Isinusulong ni Senador Francis Chiz Escudero ang pagsasagawa ng full blown investigation sa nagastos ng gobyerno sa mga biniling bakuna kontra COVID 19.
Inihayaf ni Escudero na kung ang mga bakuna ay may expiration, ang halaga umano ng ginastos dito ay hindi nag-eexpire at kailangang ipaalam sa publiko.
Ipinunto ng senador na may mga ulat na gumastos ng P300 bilyon sa bakuna habang may inihayag sa Senado na P145 bilyon ang ginugol.
Malinaw aniya na dahil sa mga bakuna ay lumaki ang utang ng gobyerno na ang naging collateral ay ang future income ng kabataan subalit hanggang ngayon ay hindi pa ipinapaalam ang detalye nito.
Pinuna ng senador na hanggang ngayon ay walang lumalabas na price list kung magkano ang Sinovac, ang Moderna, ang Pfizer at iba pa pero pinagmumulta ng gobyerno ang maliliit na grocery store sa hindi paglalagay ng price tag sa kanilang mga paninda
Duda rin si Escudero na ang “non-disclosure agreement” (NDA) na nilagdaan ng gobyerno sa vaccine manufacturers ay sapat nang alibi upang hindi ipaalam sa publiko ang presyo.
Hinimok din ni Escudero ang Commission on Audit (COA) na i-subpoena ang mga dokumento at obligahin ang Department of Health (DOH) at iba pang ahensya na tumugon.
Home Nation
Full blown investigation sa ngastos ng gobyerno sa mga biniling bakuna kontra covid-19, isinusulong ng isang mambabatas
-- Advertisements --