-- Advertisements --
Naitala ng Phoenix Super LPG Fuelmasters ang unang panalo sa 2022 PBA Philippine Cup.
Ito ay matapos talunin ang Terrafirma Dyip 97-74 sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Hindi na pinalamang pa ng Fuelmasters ang Dyip kung saan umabot pa ng hanggang 35 ang kanilang kalamangan.
Pinangunahan ni Jason Perkins ang Fuelmasters na nagtala ng 17 points, nine rebounds at limang assists habang mayroong 11 points, 10 assists at limang rebounds si Mathhew Wright.
Mayroong tig-10 points ang naitala nina RJ Jazul at Encho Serrano at 9-points at 12 rebounds naman si Sean Anthony.
Mayroong isang panalo at dalawang talo na ang Phoenix habang mayroong tatlong talo at wala pang panalo ang Dyip.