lockdown checkpoint laoag

LAOAG CITY – May kaukulang kaso na isasampa laban sa mga magdi-discriminate sa mga frontliners o mga nagtatrabaho sa mga hospital para sa mga COVID-19 patients.

Ito ang sinabi ni Atty. Domingo Cayosa, IBP president sa panayam ng Bombo Radyo Laoag.

Aniya, bawal ang diskriminasyon sa mga frontliners dahil hindi sila pwedeng tanggihan pati na rin ang mga pasyente o mga taong naka-quarantine.

Dagdag ni Atty. Cayosa tutulungan nila ang mga frontliners na nakakaranas ng diskriminasyon dahil marami silang natatanggap na reklamo.

Ngunit ginagawa nila ang lahat para sa information dissemination campaign ng kanilang organisasyon.