-- Advertisements --
Nagkaisang naglabas ng kanilang pahayag ang kasamahan sa TV show ng pumanaw na ‘Friends’ actor na si Matthew Perry.
Sa inilabas na pinagkaisang pahayag nina Jennifer Aniston, Courteney Cox, Matt LeBlanc, David Schwimmer at Lisa Kudrow na labis silang nalungkot sa pangyayari.
Isa umanong napakalaking kawalan ang pagpanaw ng 54-anyos na actor.
Hindi lamang sila aniya magkaklase at sa halip ay itinuturing nila ang bawat isa bilang miyembro ng pamilya.
Magugunitang natagpuang wala ng buhay ang actor sa loob ng kaniyang bahay.