-- Advertisements --
Aksidenteng natamaan ng missile ang isang Iranian navy ship habang nagsasagawa ito ng training exercise sa Gulf of Oman kung saan 19 katao ang namatay at 15 ang sugatan.
Naganap ang naturang insidente sa isa sa pinaka-sensitibong waterway na nakakonekta sa Strait of Hormuz kung saan daanan ito ng mga barkong may sakay na langis.
Batay sa reports, dapat sana’y pasasabugin ng frigate Jamaran ang isang training target malapit sa support ship na Konarak ngunit masyado raw malapit ang nasabing support ship mula sa target kung kaya’t ito ang tinamaan.
Kalimitang nagsasagawa ng regular exercise ang Iran sa naturang rehiyon.
Taong 1988 nang magsimula sa serbisyo ang Dutch-made, 47-meter vessel na ito na may sakay na 20 manlalayag.