-- Advertisements --

Patay ang isang French journalist sa Luhansk, eastern Ukraine.

Sinabi ni French President Emmanuel Macron na kinilala ang biktimang si Frédéric Leclerc-Imhoff.

Dagdag pa nito na tinamaan ng rocket ng Russia ang armoured evacuation vehicle na sinakyan ng biktima.

Nasa Ukraine ang 32-anyos na mamamahayag para magsagawa ng coverage sa ginawang pag-atake ng Russia sa nasabing bansa.

Dahil dito ay mariing kinondina ng France ang nangyari sa nasabing mamamahayag.