Matagumpay na natawdi ng French inventor na si Franky Zapata ang Channel na nagdurugtong sa France at England gamit ang kaniyang inimbentong jet-powered hoverboard.
Nagsimula ito sa Sangatte sa Northern France at lumapag sa St. Margarets Bay, malapit sa Dover, England.
Umabot lamang sa 20 minuto ang paglipad ni Zapata sa nasabing lugar.
Hindi na inisip pa ng dating jet ski racing champion ang pagod at ito ay nag-enjoy na lamang sa biyahe.
Kuwento pa ng 40-anyos na si Zapata na umabot sa 15 hanggang 16 oras sa isang araw bago mabuo ang makina.
Ito na ang pangalawang beses na ginawa ang nasabing pagtawid dahil noong buwan ng Hulyo ay nabigo ito.
Nakilala ang kaniyang imbento ng isagawa ang parada sa Bastille Day Parade sa France noong Hulyo kung saan marami ang humanga ng ito ay lumipad.
Sa ngayon interesado ang France military para magamit din ang kanyang imbensiyon.