-- Advertisements --
Umaasa ang Pilipinas na mailulunsad ang formal free trade agreement negotiations kasama ang European Union sa lalong madaling panahon ayon kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.
Nais kasi ng bansa na matinding nakadepende sa pakikipagkalakalan sa China, na mapalawig pa ang economic relations nito sa iba pang mga bansa para mas maging resilient pa ito.
Ang Pilipinas nga ay nagsasagawa na rin ng preliminary talks kaugnay sa free trade deal sa 27 bansa na miyembro ng EU sa nakalipas na mga buwan.
Nantala nga kasi ang mga ginawang pagsisikap isang dekada na ang nakalipas sa gitna ng pangamba ng EU kaugnay sa deadly war on drugs noon ni dating Pang. Rodrigo Duterte.