-- Advertisements --
image 450

Binigyang diin ng Commission on Higher Education (CHED) na ang patuloy na pagpapatupad ng batas na nagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo ay ang pinakamahusay na hakbang laban sa kahirapan na maipapatupad ng bansa.

Ginawa ni CHED chairperson Prospero de Vera III ang tugon nang tanungin ng mga mambabatas kung sang-ayon siya sa komento ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang Universal Access to Quality Tertiary Education law o ang libreng edukasyon sa kolehiyo sa mga state-run universities and colleges ay isang unsustainable program at anti-poor.

Aniya, ang tungkulin ng kanilang ginagawa ay ipatupad ang batas, at ang pinakamataas na return of investment, sa 17%, ay nakukuha mula sa isang estudyanteng nagtapos ng kolehiyo.

Ito ay 7% para sa isang mag-aaral na nakatapos ng sekondaryang edukasyon, at 10% para sa isang mag-aaral na nagtapos ng elementarya.

Dagdag ni De Vera, ito ang dapat na aksyunan na mamuhunan sa mas mataas na edukasyon.

Dagdag pa, sinabi ng opisyal na pinataas ng free college education law ang participation rate o porsyento ng college-age population na nasa edad 15 hanggang 25 na naka-enrol sa baccalaureate programs sa higher educational institutions (HEI) sa 42% sa school year 2022 hanggang 2023 mula 32 % noong 2016 hanggang 2017 o bago ang pagpasa ng batas noong 2018.

Sinabi ni De Vera na ang pagtaas ng participation rate ay naging daan din para sa mga first generation graduates, ibig sabihin, ang mga mag-aaral na unang nakapag-aral ng kolehiyo sa pamilya at ang unang miyembro ng pamilya na nakapagtapos ng kolehiyo.