-- Advertisements --

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Idinideklara ng Senate Bill 2868 o ang Anti-POGO Bill na ang offshore gaming operations sa bansa ay labag sa batas. 

Lahat ng 23 mga senador ang bumotong pabor sa naturang panukalang batas. 

Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na ang pagsasabatas ng isang panukalang nagpapatibay sa pagbabawal ng gobyerno sa lahat ng POGO  ay makatutulong upang matiyak ang ganap na pagpapaalis sa mga natitirang bakas ng POGO at masiguro rin na ang pagbabawal ay magpapatuloy kahit natapos na ang kasalukuyang administrasyon.

Inaatasan ng panukalang batas ang pagkumpiska ng lahat ng ari-arian at kagamitan na may kaugnayan sa POGO upang maiwasan ang muling paggamit ng mga ito sa ilegal na operasyon. 

Magugunitang nanawagan si Hontiveros sa malakanyang na suportahan ang isinusulong ng Senado na panukalang batas. 

itoy upang hindi lamang aniya nakadepende sa utos ng executive branch ang polisiya ng pagbabawal ng POGO sa bansa. 

Aniya, dapat magpasa nang isang malinaw, kumpleto at comprehensive anti POGO bill upang matiyak na hindi na muling sumulpot ang POGO sa Pilipinas.