-- Advertisements --

Nagbigay ng matinding babala si U.S. President Donald Trump sa Iran, na ipinahayag na kung atakihin ang Estados Unidos, mararanasan nito ang “buong lakas” ng American military ng bansa.

Sa isang post sa Truth Social, itinanggi ni Trump na may kinalaman ang U.S. sa mga airstrikes ng Israel sa Iran.

Inamin ni Trump na ang U.S. ay tumulong sa Israel laban sa mga missile, ngunit hindi nakialam sa mga direktang pag-atake sa Iran.

Pagmamalaki pa ni Trump na kaya agad umano nila, kasama ang Israel na wakasan ang digmaan kung gugustuhin nito.

‘we can easily get a deal done between Iran and Israel, and end this bloody conflict!!!’

Sa kabilang banda, ipinahayag ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na may ebidensya silang nagpapakita ng pag-suporta umano ng Estados Unidos sa mga atakeng ginawa ng Israel.

‘We have solid proof of the support of the American forces and American bases in the region for the attacks of the Zionist regime military forces,’ ani Araghchin sa isang interbyu ng local TV.

Samantala, ipinahayag pa ni Trump sa isang pag-uusap kay Russian President Vladimir Putin na dapat magtulungan ang mga bansa upang tapusin ang sigalot sa pagitan ng Israel at Iran.

Ngunit matatandaan na inilahad ng mga opisyal ng Russia ang kanilang patuloy na pagsuporta sa negosasyon ukol sa programa ng nuclear ng Iran.

Nagpahayag din ang Germany, kasama ang France at Britain, ng kahandaan na makipag-usap sa Iran tungkol sa nuclear program nito upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon sa Middle East.