-- Advertisements --

Inanunsiyo ni French President Emmanuel Macron ang pagbawi niya ng mga sundalong nakatalaga sa Mali.

Ang nasabing mga sundalo ay halos 10 taon ng nakatalaga sa nasabing bansa.

Inilagay ang mga ito doon para tulungan ang bansa sa paglaban sa Islamist militants mula pa noong 2013.

Paliwanag ni Macron na kaya siya nagdesisyon na pauwiin na ang kanilang sundalo ay dahil sa nasira na ang diplomatic relation nila sa Mali na bunsod ng lumalalang military junta.

Pinabulaanan nito na hindi sila nagtagumpay sa paglaban sa mga Islamist state militants at pumayag ang Niger na tulungan ang mga papaalis na sundalo.

Inaasahan na magiging epektibo ang pag-alis ng mga sundalo pagkatapos ng apat hanggang anim na buwan.