-- Advertisements --

Nagbigay ang gobyerno ng France ng halos P9 billion o 150 million euros para sa climate actions at green recovery ng Pilipinas mula sa COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, ayon sa communication office ng French Embassy sa Manila kapwa lumagda sina French ambassador to the Philippines Michèle Boccoz at Department of Finance Sec. Benjamin Diokno sa mga kaukulang dokumento sa isang symbolic ceremonial exchange of documents.

Ang naturang loan ay mula sa financial institution ng France na French Development Agency (AFD) na kukumpleto naman sa US$250 million loan mula sa Asian Development Bank (ADB).

Layunin ng pondo na suportahan ang Pilipinas sa pagkamit sa nationally dterminded contribution (NDC) nito sa 2021United Nations Climate Change Conference at sa hangaring matulugan ang vulnerable sectors na maging resilient at tungo sa pagkamit ng low-carbon economy.