-- Advertisements --
spahn veran tedros
Germany and France promises additional financial support to World Health Organization.

Magpapatuloy pa rin ang suporta ng mga bansang France at Germany sa World Health Organization para sa kampanya nito na labanan ang coronavirus pandemic.

Kasabay ito nang pakikipagkita nina French health minister Oliver Veran at German health minister Jens Spahn kay WHO Directer-General Tedros Ghebreyesus sa Geneva.

Matapos ang pagpupulong tatlo ay nagsagawa sila ng joint news conference kung saan inanunsyo ng France at Germany na magbibigay ang mga ito ng medical face masks at ventilators upang tulungan ang ahensya sa pandemic.

Ayon kay Spahn, dadagdagan din ng Germany ang pondo na ibibigay nito para sa ahensya. Maglalaan umano ang nasabing bansa ng 560 million dollars, ito na ang pinakamalaking annual contribution ng isang bansa para sa global body.

“Germany remains a strong supporter and critical friend of the WHO,” wika ni Veran.

Naniniwala naman si Veran na mahalaga ang papel ng WHO lalo na at kailangan ng mundo ng multilateral organization.

Magugunita na ipinag-utos ni US President Donald Trump ang tuluyang pagputol sa pondong ibinibigay ng Estados Unidos sa WHO.

Inatasan din ni Trump ang kaniyang mga opisyal na ibigay na lamang sa ibang organisasyon ang pera na dapat ay para sa nasabing ahensya.