KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring pagpapatiwakal ng isa sa mga pinaniniwalaang founders ng investment scam sa Lungsod ng Koronadal.

Kinilala ang biktima na si Ailene Aviso Manahan, 35-anyos na residente ng Barangay San Jose, Malaybalay, Bukidnon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan na lamang umano ng mga kaanak ng biktima na wala ng buhay habang nakahiga sa sofa sa kanilang bahay.

Sa ngayon inaalam na ng Koronadal-Philippine National Police kung may foul play sa insidente.

Si Manahan na sinasabing founder ng Akma Community Solution Inc. (ACSI), ay inaresto noong Oktubre kasama ang kaniyang speaker at secretary sa isinagawang entrapment operation.