CAGAYAN DE ORO CITY – Pagka-suffocate mula sa usok nang ipinaandar na ‘water pump machine’ ang tuluyang itinuro na dahilan ng mga imbestigador mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police kung bakit nasawi ang apat na treasure hunters sa loob ng kuweba sa Sitio Tinago,Barangay Cabandiangan,Kadingilan,Bukidnon.
Batay ito sa ginawang follow-up ng Police Regional Office 10 mula sa kanilang lower units na nag-iimbestiga sa nangyari sa mga biktima noong nakaraang linggo.
Sinabi sa Bombo Radyo ni PRO 10 spokesperson Police Major Joann Galvez – Navarro na walang hawak na anumang patunay ang kanilang mga imbestigador na mayroong ‘foul play’ ang pagkasawi ng mga biktima.
Paglalahad ni Navarro na walang anumang indikasyon na nakuha o pinanghahawakan ang PNP at BFP na mayroong ibang mga personalidad na nasangkot sa pangyayari.
Magugunitang lahat wala ng mga buhay na nakuha ng retrieval teams ang mga biktima na sina Rudy Sumalpong,taga-Brgy Cabadiangan;Maximine Diaz,taga-Don Carlos;Bobby Gonzaga,mula sa bayan ng Kibawe at Ivan Gallardo na nanggaling namna sa Valencia City lahat sakop ng Bukidnon.
Napag-alaman na hindi rin nagkompirma ang local government unit na talagang mayroong naka-deposito na mga ginto sa loob ng kuweba na palihim pinasok ng walong katao subalit apat na lang ang nakalabas resulta sa pagkahilo-patay ng kanilang kasamahan noong gabi ng Marso 10,2024.