Formula One
Formula One / IG post

May inilatag na ang Formula One na mga karera sa kanilang posibleng pagbabalik sa Hulyo.

Gagawin ang Austrian Grand Prix sa July 5 hanggang 12 bilang bahagi ng eight-race European swing.

Pagkatapos nito ay magaganap ang susunod torneo sa Hungary sa July 19 na susundan ng British GP sa Agosto 2 at 9 matapos na pumayag na ang British government sa pagsisimula ng mga elite sports.

Ilan pa sa mga naka-schedule na laro ay sa Spain sa darating na Agosto 16 at Belgium sa Agosto 30 at Italy sa darating na Setyembre 6.

Ayon sa Formula One organizers na sa loob ng dalawang buwan ay mahigpit silang nakipag-ugnayan sa lahat ng kanilang mga parters, authorities para makagawa ng revised calendars at payagan na silang makabalik ng ligtas.

Inaasahan na rin nila na magiging mahigpit ang ilang bansa sa panonood ng mga audience sa kanilang mga karera.