Tuloy pa rin ang gaganaping Formula One Grand Prix sa Vietnam kahit may banta ng coronavirus outbreak.

Ayon kay Vietnam Grand Prix CEO Le Ngoc Chi, na walang magiging aberya pa kaya matutuloy na ito sa Abril 5.

Mayroon aniya silang ginagawang kaparaanan para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.

Ilan sa mga dito ay ang pagkakaroon ng checkpoint sa mga border nila ng China.