-- Advertisements --
image 382

Ilang dayuhang sasakyang pandagat ang pinarusahan dahil sa tinatawag ng mga awtoridad na kahina-hinalang aktibidad sa karagatan ng Pilipinas ayon sa Maritime Industry Authority (Marina).

Ayon kay Marc Pascua, director ng Maritime Industry Authority Metro Manila, sinampahan ng kaukulang mga parusa ng regulatory agency ang mga naturang barko.

Dagdag dito, hindi pa idinetalye ang mga parusa at ang bilang ng mga sasakyang sangkot sa illegal na operasyon.

Ang pagsisiyasat ay bunsod ng ulat ng National Coast Watch Center (NCWC), isang inter-agency maritime surveillance at coordinated response facility, na nag-flag ng 10 dayuhang sasakyang pandagat.

Karamihan sa mga ito ay mga Chinese na may kahina-hinalang aktibidad at naobserbahan na nag-ooperate sa labas ng kanilang mga naaprubahang lugar ng operasyon bilang laban sa ibinigay na espesyal na permit ng Maritime Industry Authority (Marina).

Una na rito, ang mga sasakyang pandagat ay namataan sa bahagi ng Manila Bay at responsable sa dredging at reclamation activities sa Pasay Reclamation Development Project.