Pinaalalahanan ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng mga foreign tourists na bawal pa rin silang pumasok sa bansa kahit pinagaan na ang ilang travel restrictions na epektibo pa noong Mayo 1.
Kasunod ito ng pagpapalawig sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa bansa dahil sa paglobo ng mga kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang statement binigyang diin ni BI Commissioner Jaime Morente na ang mga banyaga lamang na may valid at existing visas ang papayagang makapasok sa bansa.
“Foreign tourists are still prohibited from entering the country and said restriction remains effective until it is lifted by the IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases),” ani Morente.
Ipinaliwanag ni Morente na ang pagpapatupad ng travel international guidelines ay epektibo lamang bago mag-Marso 22.
Binawi ito ng pamahalaan at nagpatupad ang nang mas mahigpit na protocol para sa mga banyagang papasok sa Pilipinas dahil pagtaas ng COVID-19 cases.
“The recent easing of travel restrictions applies only to those aliens who were allowed to come here before March 22 and they should have valid and existing visas at the time of their arrival in our ports of entry,” dagdag ng BI chief.
Una nang inanunsiyo ng BI na simula noong Mayo 1, ang mga bamyagang mayroong hawak na immigrant at non-immigrant visas ay puwede na ulit makapasok sa bansa. e
Exempted sa visa requirement ang mga foreign spouse at mga anak ng mga Balikbayans o returning Filipinos maging ng mga dating mga Pinoy na bibiyahe.
Papayagan namang makapasok sa bansa ang mga banyagang may valid at existing Special Resident and Retirees Visa (SRRV) o temporary visitors’ visas bastat magpakita lamang ang mga ito ng entry exemption document mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa oras na makarating na sa bansa.
Maliban na lamang dito ang mga foreign diplomats at mga miyembro ng international organizations, lahat ng foreign travelers dahil required silang magpakita ng pre-booked accommodation sa loob ng kahit pitong gabi lamang sa mga accredited quarantine hotel kung saan na rin isasagawa ang COVID-19 sa ikaanim na araw mula nang dumating ang mga ito sa bansa.
Muli namang ipinaalala ng BI na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino mang galing sa India o mayroong travel history sa nakalipas na 14 na araw.
Magtatagal ang travel ban hanggang Mayo 14.