Nakisimpatiya din ang mga foreign envoy na nakabase sa Pilipinas para sa mga Pilipinong nasalanta ng nagdaang Super Typhhon Karding at tiniyak na tutulong ang kani-kanilang gobyerno.
Una ng nagpaabot ng mensahe ng pakikisimpatiya si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para sa mga apekatdong Pilipino at nagpaabot din ng pakikiramay para sa pamilya ng mga nasawing limang magigiting na rescuers sa bulacan.
Sinabi nito na laging handa ang China para umalalay sa bansa at umaasa sa mabilis na pagrekober ng mga apektadong lugar.
Tumulong naman ang US Embassy sa manila sa paghahatid ng food packs at shelter tarpaulins para sa mga Typhoon-victim sa Central Luzon at Region 4A sa pamamagitan ng pagbibigay ng trucks.
Sinabi naman ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na handa ang Amerika na makipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas at kanilang partners para makatulong sa recovery ng bansa.
Nagpahayag din ng pakikiisa ang United Kingdom sa Pilipinas sa katauhan ni British Ambassador Laure Beaufils habang umapela naman si Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko ang mga Pilipino na maging matatag sa gitna ng kinakaharap na pagsubok.
Tiniyak naman ni Australian Ambassador-designate to the Philippines Hae Kyong Yu na handa rin itong tumulong sa recovery efforts ng bansa.