Nakatakda pa ring maglabas ang Department of Justice (DoJ) ng department order para atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ni Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.

Ito ay sa kabila ng direktiba mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa NBI na pumasok na sa imbestigasyon sa pagpaslang sa alkalde.

Ayon kay DoJ Usec. at Spokesman Markk Perete, ang paglalabas ng department order ng DoJ ay para sa record-keeping purposes ng kagawaran.

Aniya, igigiit daw ng DoJ sa NBI na mahigpit na sundin ang direktiba ng Pangulong Duterte na imbestigahan ang pagkamatay ni Navarro.

“The President has control over the entire Executive Department, including the PNP and the NBI. His directive should therefore be sufficient for the NBI to commence its proble. Nevertheless, and purely for record-keeping purposes, the DOJ shall issue a Department Order reiterating the President’s directive to the NBI,” ani Perete.

Kahapon sa ambush interview sa Malacañang, si Duterte mismo ang nagbigay ng direktiba sa NBI para imbestigahan ang insideunte.