-- Advertisements --

CEBU CITY — Ipinadala na ng Cebu City Legal Office ang show-cause order laban sa ilang mga barangay officials sa Brgy. Lahug matapos ang nangyaring siksikan ng mga tao sa isang footwear shop.

Unang ikinabahala ng publiko ang siksikan ng mga tao sa JS Footwear dahil sa kanilang “11-11” sale kung saan mabibili umano ang mga class A na sapatos sa napakamurang halaga.

Sumugod agad ang ilang mga pulis at mga volunteers mula sa Cebu City Police Office upang ma-kontrol ang mga taong hindi umano nag-observe ng physical distancing.

Ayon kay CCPO Intelligence Branch chief Police Major Randy Caballes na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa minimum health standards ang may-ari ng footwear shop.

Sarado ngayon ang nasabing tindahan habang iniimbestigahan ngayon ng City Legal Office at ng City Business and Licensing Office kung bakit nag-operate ang nasabing tindahan nang walang kaukulang papeles.