-- Advertisements --
Maglalaro na sa huling pagkakataon sa kaniyang club na Paris Saint-Germain (PSG) ang football star na si Lionel Messi.
Kinumpirma ito ni coach Christophe Galtier na gaganapin ang huling laro sa araw ng Sabado.
Sinabi pa ni Galtier na nakatakda na kasing magtapos ang kontrata ni Messi sa club ngayong buwan.
Dinala ng 35-anyos na si Messi ang Argentina para makuha ang World Cup title sa Qatar noong nakaraang taon at nagwagi rin ito ng Ligue 1 title sa PSG para sa ikalawang pagkakataon.
Noong nakaraang buwan ay sinuspendi ito ng club dahil sa hindi pamamaalam ng magtungo ito sa Saudi Arabia na dahilan para hindi makadalo sa kaniyang mga ensayo.










