David and Victoria Beckham
David and Victoria Beckham/ IG image

Nakabili ang football star David Beckham at asawang si Victoria ng high-rise condominium sa halagang $24-million o katumbas ng P1.2-B sa Miami.

Ang Miami skyscraper home ng mag-asawa ay makikita sa 62-storey One Thousand museum building.

Ginawa ito ng pumanaw na si Zaha Hadid na natapos lamang noong nakaraang buwan.

Mayroon itong limang malalaking kuwarto na tanaw ang buong lungsod at dagat ng Miami.