-- Advertisements --
Ikinasal na ang soccer star na si Cristiano Ronaldo sa nobya nito na si Georgina Rodriguez.
Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Cascais isang coastal town sa western Portugal malapit sa Lisbon.
Naging intimate at pribado ang kasal na dinaluhan ng kanilang limang anak.
Sa kanilang social media account ay ibinahagi ng dalawa ang ilang larawan nila.
Mahigit 10 taon ng nagsasama ang dalawa matapos ang unang pagkikita nila sa Madrid.
Ang 41-anyos na si Ronaldo ay five-time world player of the year at isa sa mga sikat na manlalaro sa buong mundo.
















