-- Advertisements --

Nakuha ng Pilipinas ang unang panalo sa ASEAN Hyundai Cup 2026.

Ito ay matapos talunin na Philippine Men’s National Football team ang host country na Laos sa score na 4-1.

Nakabawi ang PMNT ng full three points mula ng talunin sila ng Myanmar noong Martes sa score na 4-1 na ginanap noong New Clark City sa Tarlac City.

Isa itong malaking tulong para sa nalalapit na laban nila kontra Thailand sa darating na Martes, Agosto 4.

Ang mga nakapagtala ng goal si John Lucero sa 47 minuto ng laro at pangalawa naman ay si Javier Maron sa 52 minuto.

Naipasok naman ni Jarvey Gayoso ang ikatlong goal sa 60th minuto habang ang last goal ay naitala ni Daisuke Sato sa 88th minuto.