Nabigo ang Philippine men’s national football team sa unang laro nila sa 2026 ASEAN Hyundai Cup.
Ito ay matapos na pahiyain sila ng Myanmar sa score na 4-1 sa Group B sa laro na ginanap sa New Clark City.
Naging malaking hamon para sa football team ng bansa ang malakas na pag-ulan kung saan nahirapan silang kontrolin ang nasabing bola na nagresulta sa marmaing mistakes nila.
Sa unang pitong minuto ng laro ay maagang nakuha ng Myanmar ang goal sa pamamagitan ni Kyaw Min Oo at pagdating ng 28 minuto ay naipasok ni Than Paing ang goal.
Pagpasok naman ng 68 minuto ay naipasok ng Pilipinas ang goal sa pamamagitan ni Jarvey Gayoso.
Nagkaroon ng matinding depensa ang Myanmar sa pagpasok ng ikalawang set ng laro kung san magkasunod na naipasok nila ang goal sa 81 minuto at 83 minuto.
Dahil dito ay mayroon ng kalamangan ang Myanmar sa Group B sa pamamagitan ng pagkamit nila ng kabuuang tatlong puntos.
















