Nagpasya ang gobyerno ng Indonesia na kanilang babaklasin na ang football stadium na ikinasawi ng 131 football fans at ikinasugat ng iba pa dahil sa stampede noong nakaraang mga linggo.
Ayon kay Indonesian President Joko Widodo na ang Kanjuruhan stadium ay muling itatayo na umaayon sa mga ipinapatupad ng safety standards.
Isinagawa nito ang anunsiyo ng makipagpulong siya kay FIFA president Gianni Infantino.
Dagdag pa ng Indonesian President na nararapat na mabigyan ng ligtas na lugar ang mga mamamayan niya na mahilig sa panonood ng football.
Magugunitang noong Okture1 ng lusubin ng mga nagalit na fans ang gitna ng stadium matapos na talunin ang kanilang home team na Arema FC ng Persebaya Surabaya.
Napilitang gumamit ang mga kapulisan ng mga tear gas at baton para mapahupa ang kaguluhan.