-- Advertisements --

Ipinagpaliban ang mga natitirang laro sa Hunyo sa ikalawang round ng Asian qualifying para sa 2022 Qatar World Cup dahil sa coronavirus.

Ito ang pangatlong pagkakataon na maantala ang nasabing torneo na ang una ay noong nakaraang taon at inilipat sa Marso.

Isa sa naging dahilan nito ay ang ipinapatupad na travel restrictions.

Iminungkahi ng Asian Football Confederation ang pag-imbita sa mga miyembro na ito na maghost na lamang sa mga ka-grupo nila para sa centralized format sa Hunyo.