Itinakbo sa pagamutan ang football player ng Derby County na si Andre Wisdom matapos na ito ay atakihin ng nagtangkang magnakaw sa kaniya.

Nangyari ang insidente ng bumisita ito sa kaniyang kaanak sa Toxteth, Liverpool.

Nagtamo ng sugat ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Ayon sa Merseyside Police, kinuha ng hindi pa kilalang mga suspek ang relo nito at pinagsasaksak ang biktima.

Kasalukuyan ng iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nangyaring insidente.