Pinayagan nang makapaglaro ang dalawang pinakamalaking soccer team ng Indonesia, ilang buwan matapos ang malagim na stampead na nangyari sa isang football stadium noong nakaraang taon.
Ang dalawang team na ito ay ang Arema FC at Persebaya Surabaya, ngunit isinagawa lamang ang kanilang laban sa closed door. Ibig sabihin, walang nanuod na fans.
sa nasabing laban, nanalo ang Persebaya sa score na 1-0
matatandaan na Octobre ng nakaraang taon nang mangyari ang malagim na stampede sa East Java, Indonesia nang tinangkang pasukin ng mga fans ang football pitch matapos matalo ang koponan na Arema FC sa Persebaya.
upang mapigilan ang publiko, gumamit ang mga pulis ng tear gas na siyang dahilan upang manghina ang maraming mga fans, hanggang sa matumba na lamang sila at maapakan ng mga nagpupumilit makalabas na fans.
sa nasabing incidente, mahigit 130 katao noon ang namatay.