Pinatitiyak ng isang kongresista sa Department of Agriculture (DA) na hindi magkakaroon ng supply disruptions sa mga bilihin na kadalasang binibili ng publiko.

Mahalaga ito ayon kay AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin, miyembro ng House committee on trade and industry, upang maiwasan ang pagbilis ng inflation o paggalaw sa presyo ng mga bilihin sa bansa.

-- Advertisement --

Sinabi ni Garbin na mahalaga na magkaroon ng contingency plans ang DA sa mga posibleng mangyari sa agriculture sector.

Inihalimbawa nito na kung sakaling magkaroon ng malawakang frost sa mga pananim sa Baguio at Cordillera, kailangan na magkaroon ng back up sources ng mga gulay.

Kaya mainam ayon kay Garbin na palaganapin ang urban farmin at hydroponics hindi lamang sa Metro Manil kundi maging sa iba pang urban centers sa bansa.

Bukod dito, mahalaga rin na magkaroon ang DA ng alternate sources ng food supply para sa mga lugar na kadalasang natatamaan ng mga bagyo tulad ng Bicol at Mindoro, at hindi lamang basta umasa sa tulong mula Metro Manila.

Maari rin aniyang bawasan o tuluyan nang alisin ang administrative fees sa mga pantalan at tollways bilang offset sa excise tax sa produktong petrolyo para mapababa ang transport costs sa Mindoro at Bicol.