-- Advertisements --
image 93

Mananatiling prayoridad ng pamahalaan ang food security sa bansa sa gitna ng mataas na underemployment rate.

Ito ang tiniyak ng National Economic Development Authority (NEDA).

Magugunitang sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 15.4 percent na underemployment rate noong Setyembre.

Mas mataas ito kumpara sa 14.7 percent noong Agosto.

Inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang food security, at patuloy din ang pagbibigay ng ayuda gaya ng fuel at crop subsidy para mabawasan ang underemployment sa mga mahihirap na pamilya.

Dagdag pa ni Balisacan, kinakailangan din na epektibong maitupad ang mga emergency employment programs at iba pang assistance para matulungan na makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad.

Umaasa naman ang NEDA na kapag natapos na ang Philippine Development Plan 2023-2028, mas gaganda ang labor market ng bansa sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at job facilitation programs.