-- Advertisements --
LOCKDOWNS

Nilinaw ngayon ng chairman ng Metro Manila Council (MMC) na wala nang matatanggap na cash aid ang mga residente ng National Capital Region (NCR) sakaling ilagay sa granular lockdown ang kanilang lugar simula bukas.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng MMC, food aid umano ang matatanggap ng mga residente imbes na cash.

Sakop ng 14-day granular lockdown ang mga bahay, gusali, streets o subdivisions sakaling may makitang pagtaas ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang lugar.

Bukas ay isasagawa na ang pilot granular lockdown sa Metro Manila at nasa ilalim ito ng Alert 4.

Papayagan naman ang outdoor dining sa 30 percent capacity at indoor dining para sa mga bakunado nang kababayan.