-- Advertisements --
Nakamit ng Alas Pilipinas Women’s Volleyball Team ang ikatlong puwesto sa 2025 South East Asian Volleyball League Leg 1 matapos talunin ang Indonesia sa iskor na 25-20, 25-20, 16-25, 25-13.
Sa kabila ng pagkatalo sa Set 3, muling bumangon ang Filipinas sa ikaapat na set na pinangunahan nina Alyssa Solomon, Fifi Sharma, Eya Laure, at Angel Canino.
Tumulong din si team captain Jia De Guzman sa pagbibigay ng momentum sa koponan.
Nagtapos ang Alas Pilipinas sa 1-2 win-loss record at muling nakuha ang bronze medal gaya ng kanilang pagtatapos sa parehong mga leg noong 2024.
Samantala, winless o walang panalo ang Indonesia sa Leg 1 sa score board na 0-3.