KALIBO, Aklan—Arestado ang isang FM radio broadcaster sa kasong estafa thru falsification of a commercial document sa bayan ng Kalibo, Aklan.

Kinilala ang akusado na si Carlo Padilla Asturias, 45, at residente ng Barangay Sta. Fe, Pilar, Capiz.

-- Advertisement --

Si Asturias ay inaresto ng mga kawani ng Roxas City PNP at Kalibo PNP sa pamamagitan ng Alias Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 06-15999-10 na ipinalabas ni Hon.Elias A. Conlu, Presiding Judge, 6th Judicial Region, Municipal Trial Court Roxas City na may petsang Hunyo 29, 2017.

Nasa P12,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, nilinaw sa Bombo Radyo ni Asturias na nagsimula ang kaso sa Roxas City noong 2006 nang umutang ito ng P10,000 kay Gloria Arce ngunit kaagad din umano siyang na-fully paid.

Hindi aniya ito binigyan ng piskalya ng pagkakataon na masagot ang kaso kung saan, ngayon lamang niya nalaman na ipinagpatuloy ni Arce ang kaso laban sa kaniya.

Si Astorias ay kaagad na dinala sa Roxas City upang harapin ang nasabing kaso.