BAGUIO CITY – Pinahintulutan ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang pagbukas ng iba pang mga negosyo simula ngayong araw, Mayo 25.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ito ay kasabay na rin nang pagpapatupad ng general community quarantine sa buong lungsod.

Kabilang sa mga negosyo na pinahintulutan na ring magbukas ay mga flower shops, landscape supply shops, cellphone load stations, pasalubong products shops, Kitchenware supply stores at Textile supply stores.

Gayunpaman, kailangang alternate o salitan ang araw nang pagbubukas ng mga nasabing negosyo depende sa lokasyon ng mga ito.

Kaugnay nito ay iginiit ng lokal na pamahalaan na kailangang sumunod ang mga stall owners sa mga protocol ng community quarantine para maiwasan ang paglakat ng COVID-19.