Hindi nakaligtas sa bagsik ng hurricane Idalia si Florida Governor Ron DeSantis.
Sinabi nito na dahil sa lakas ng hangin ng nasabing sama ng panahon ay nabuwal ang century-old na oak tree katabi ng kanilang bahay.
Labis itong nag-alala dahil sa nasa loob ng nasabing bahay ang asawa at mga anak nito ng mangyari ang insidente.
Kuwento ng asawa nitong si Casey ay natakot sila ng mabuwal ang nasabing century-old na puno kung saan nag-alala ito dhail sa nandoon sa loob pa ang tatlong maliit na anak nilang sina Madison, Mason, at Mamie.
Pinasalamatan nito ang mga emergency response group na nagtanggal ng bumagsak na puno.
Magugunitang nanalasa ang Category 4 na hurricane Idalia sa Florida kung saan nagdulot ito ng malaking pagbaha at malalakas na pag-ulan sa nasabing lugar.